Powered by Bravenet Bravenet Blog

Tag Board

Kristal: Hi Ate Pham. Oo nga. Buti na lang may mga bagong posts ako. Kasi hindi rin ako masyado nakakapagpost eh. Salamat!Ü
anijun: hello. promote ko lang novel ko sa lahat na ka-elbi. visit www.anijun.wordpress.com for details. salamat.
pham: i miss reading ur blogs..heheh ..Ü nakahanp din ng oras...dame ko pla na miss...enewei dko maiwasan mangiti sa bago mong blog..really enjoy it..keep it up!
Kristal: Sabi ni E***r, friends lang niya lahat ng babae na kasama niya sa friendster pics niya! Yipee!Ü
Kristal: Maphene!! Hindi taga-PS si J*n. (Correction: J*n, hindi Jen. Baka masira ang blind item ko. Hehe.)
maphene: sinong jen? ahaha. naintriga naman daw akuuu! wahahaha!
Kristal: At last! Nag-comment na si Kirby! Haha. Mabuhay ka Kirby!
maphene: at sa aking pagbabalik...
Kristal: Thank you Maphene! Balik ka ha.Ü
maphene: haha. patawad, malisng sfelling pa.
maphene: nice blog here crystal!saya saya!
Kristal: Jeff.. Natawa ka ba sa shame on me? Haha.Ü Kaw talaga.Ü
pham: ok lng un kristal..enjoy nga ako sa blog mo..:P
Kristal: Salamat kay ate pam at kay kirby sa pagbasa ng aking blog. Bow.
Kristal: Lahat ng magvivisit, need mag-comment. Compulsary yan. Hehe. =)

Please type in the four characters shown in the black box.

Thursday, March 5th 2009

8:10 PM

No other words can explain except for the word "Ouch"

  • Mood:
  • Music: Biglaan
Akala ko lahat ng mga mangyayari ay iikot na sa mga kamay ko. Makukuha ang gusto ko. Tama ang Daddy. Huwag kong gagawing motto ang "What Kristal's like, Kristal gets." Kasi hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Kahit ano pa ang gawin ko. Kahit ano pa ang i-sacrifice ko. Kahit maki-pagbargain ako kay God, ayaw niya ibigay (although minsan pinagbibigyan niya ako para siguro matigil ako). Naalala ko tuloy yung kasabihan na "If God says no, it means it is not good for you." In short, "God knows best." God, sorry ha pero matigas talaga ang ulo ko. Gusto ko po talaga siya. Opo. Gusto ko po siya. Masakit po. Opo. May girlfriend po siya? Kahit na po. Basta lagi pa din po kami kakain sa labas at magma-mall. Bakit po masakit pag iniiwan? Bakit po masaya ako kapag ako ang nangiiwan? Bakit po gusto ko naka-hang lang siya at kunin ko kapag kailangan ko? Bakit po ngayon, iniiwan na niya ako? Bakit po biglaan? Bakit po ayaw niya aminin na may girlfriend siya? Bakit masakit? Bakit dapat hindi na siya magpaliwanag? Bakit kailangang hindi ko na siya pansinin? Bakit kailangang maging na bulag ako pag siya ang nagtext o nag-email para hindi ko na mabasa ang message niya? Bakit ako malungkot? Bakit ako nahihirapan? Bakit parang wala na akong direksyon? Bakit parang hindi na ako mahalaga? Bakit kami nasa isang kumpanya? Bakit madaming may alam na ex ko siya? Bakit malaki ang magiging pagbabago nito saken? Bakit kailangan kong gawin ang maglibang? Bakit kailangan ko nang gumawa ng isang bagay na magbabago ng takbo ng buhay ko?

Puro bakit. Puro tanong.

Lutang ang isipan ko. Parang ipinapako ang puso ko sa dibdib ko. Pilit na ibinabaon ang pako. Parang ipinapako upang huwag mahulog. Masakit. Mabigat. Nagpupumilit malaglag mula sa kinalalagyan. Kaya naman lalong lumalakas ang kailangang lakas para bumaon ang pako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Parang kailangan iiyak.

Wala akong iba pang salitang maisip maliban sa salitang "masakit."
0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, January 29th 2009

6:02 AM

Impluwensya ng Blog ni Callboi

  • Mood:
  • Music: Himala
Dahil kay Callboi, magba-blog ako ngayon.

Nakakainggit kasi yung blog niya, ang ganda-ganda. Saka ang daming nagbabasa. Sikat.

Habang nakikinig ng hillsong  music, nagtatype ako sa keyboard (as if someone cares..)

Iniisip ko nababasa kaya ito ni J*n at ni E***r?

Paano kaya kung nababasa nila ano? Nakakatuwa naman kung ganon.

To clarify, hindi pa ulit kami ni E***r. And I am not sure kung gusto ko pa nga ba ulit siya bumalik.

Parang I am falling out of love na.

Ganun pala yun no. Akala mo true love mo pero masasawa ka din pala.

Kung kelan naman naging malapit na kami sa isa't isa saka pa ako nasawa.

Nagsimula ko maramdaman na nagsawa na ako nung nagpasama siya magsimba sa Quapo. Masaya kasi first time niya ako ininvite na magsimba. At first time ko napatunayan na may faith pala siya kahit papaano (ang bad ko talaga...). Hindi ko din alam kung anong nakain niya at sinabihan niya ako ng "Love naman kita eh" nung nasa Wendy's kami. Kumain muna kasi kami sa Wendy's bagokami sumakay ng LRT papuntang Carriedo/Quiapo Church. Ang weird kasi hindi naman ako umiimik noon at busy ako kumain tapos hinaplos niya yung buhok ko at sinabi niya ang linyang yun. Ako? Sinimangutan ko siya. Wala ng kilig factor. Ang una kong naramdaman ay awkwardness. Iniisip ko pa rin talaga kung bakit niya biglang sinabi yun.

Nung nasa LRT kami, niyakap niya ako. Ayoko magpayakap kasi ayoko talaga ng PDA. Pero kailangan ko pumayag kasi wala akong  makapitan. Sabi ko "Hahawak na lang ako sa arms mo" pero sabi niya "Aakap na lang ako. Sige, pag hindi matutumba ka." Sabay kiss sa forehead.

Nung nasa simbahan na kami, tahimik lang ako. Kasi an alam ko bawal ang maingay sa loob ng Catholic church. Sabi niya, "Dun na lang tayo sa blessed sacraments." Hindi ko alam yun pero sunod lang ako.

Habang nakapila kami, nakahawak siya sa waist ko at he kissed my hair several times. Ako, amazed pa rin ako sa mga tao kasi may umiiyak habang pinupunasan nila ang Black Nazarene.

Honestly, pumikit lang ako, hindi talaga ako nagpray nung turn ko na. Si E***r, humawak siya sa post tapos pumikit din siya. Kita ko nagpray siya.

After nun,  nagsindi siya ng candles na  kulay blue. Hindi ko alam kung bakit yun ang pinili niya. Sabi ko "Heto na lang, iba't ibang kulay." Kinuha niya tapos binayaran niya.

Hindi ko na masyado napansin si E***r kasi amazed talaga ako sa mga nakita ko.

0 Comment(s) / Post Comment

Sunday, January 11th 2009

11:47 AM

I-eenjoy ko na lang kung anong Meron Tayo

  • Mood:
  • Music: I Want You Back

Makulay ang buhay ko kahapon. Kahit na wala pang 10 segundo tayo nagkausap dahil naka-aftercall lang ako, solve na ako. Buo na ang araw ko. I admit. I am so into you.

Pero naalala ko yung sinabi ni Chrissy bago kami matulog. "Kawawa naman yung dadating kung hindi mo siya igi-give up." Ouch.

Ang tanong, may iba pa nga bang dadating? O ayaw ko lang tanggapin na may ibang dadating?

Hindi ko alam ang sagot. Walang nakakaalam. Walang kasiguraduhan. Malay ko ba pagdating ng araw burahin ko itong blog na ito.

Okay. Wala akong sigurado sa mga pwedeng mangyari. Pero mag-eenjoy muna ako ng konti. Although nakakakonsensya mag-enjoy kasi baka may kapalit lang eh.

Kanina bago ako pumasok sa office, nung sinabi niya kagabi na hindi pa siya lumilipat sa Guadalupe, napaisip na naman ako. Bakit nasa Alabang ka pa din? Dahil nandun ang mga girlfriends mo? Hayy.. Wala naman akong dapat pagselosan eh. Saka wala akong right para magselos. Saka wala din akong proof kundi yung picture nyo sa friendster.

Okay lang lahat. Masaya. Maganda naman ang lagay natin ngayon. Masaya tayo kapag nakikita natin ang isa't-isa. At hindi na tayo nag-aaway at nagbabangayan.Ü

0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, January 1st 2009

11:54 AM

Bagong Taon, Bagong Buhay

  • Mood:
  • Music: All I want for Chritmas is You
Bagong tapn. Dapat hindi ko tiningnan ang friendster profile mo para hindi nasira ang buena noche ko.

Sa sobrang kabadtripan ko, natulog na lang ako habang nagpapakalansing ng mga barya ang mga tao dito sa bahay.

Kung bakit kasi ang dami mong pictures ng mga cute girls sa friendster profile mo. Pag hindi mo kaakbay, katabi mo sa bed.

I texted you. Sabi ko, "Ang dami mo namang pictures ng mga cute girls sa friendster profile mo. =( Ipagpatuloy mo yan. Ayos yan."

Pagbutihin mo ang pambababae mo. Kapag nainip ako kahihintay at may dumating, sorry ka na lang.

0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, November 20th 2008

8:35 PM

Saket.... ;(( Pero masaya pa rin. :))

  • Mood:
  • Music: Mmm Bop
Mas gugustuhin ko pang umiyak ng buong gabi kesa maging tulala sa buong araw.

Kahapon, sobrang ganda ng araw ko kasi sabi ko I have my officemates who keep me laugh. Pati mga housemates ko keep me laugh also. All day akong masaya. Pero pag restday na, lagi akong pinapalungkot ng celphone ko.

Palitang ng text.

E***r: Nag-COMET ka ba?

Me: Oo.

E***r:  Ang laki ng gastos dito sa Manila. Naholdap pa bus na sinasakyan ko kagabi.

Me: I'm sorry to hear that. Anong nakuha sayo.

E***r: Lahat ng pamasahe ko. Pamasahe lang natira.

Me: Hayaan mo na. Okay lang yan. Isipin mo na lang mas kailangan nila.

E***r: Hindi okay yun. Walong lalaki yung nanghold-up. Kailangan ko din.

Me: Normal lang yan dito sa Maynila. Maraming loko.

E***r: Yun nga. Lagas na ang pera ko. Kainis.

No reply.

E***r: Sensya na sa abala.

Me: Okay lang. Musta ang training?

E***r: Okay lang. Kaso nakakapagod.

Me: Ah.. Sabi ni J*n kahapon, okay na kayong dalawa ah.

E***r: Talaga? Sabi niya? Anong account mo?

Me: O****z account ko. Sabi ni J*n there's a posibility na you're going to pursue her. Nagulat nga ako. Tinatanong niya kung okay lang daw ba saken. Sabi ko, okay lang. Sabi ko wala naman akong reason para manghimasok sa inyong dalawa.

E***r: Okay ba diyan sa O****z?

Me: Oo. Masaya samin.Ü Nalilito tuloy ako kung sino ang iiwasan ko sa inyo ni J*n.

E***r: Ayaw mo ako maging friend? Nalulungkot ako pag sinasabi mo ayaw mo. Gusto pa kita makilala.

Me: Hindi naman sa ayaw. Ayokong makasira ako sa relationship nyo ni J*n.

E***r: Sad naman kung ayaw mo. Gusto ko makabawi sayo kasi kahit asar at galit ka saken, nandiyan ka para tulungan ako.

Me: Ganun? Gusto mo friends tayong tatlo ni J*n? Ex mo ako tapos si J*n magiging girlfriend mo?

E***r: Gusto ko friends tayo, yung maayos ang samahan natin. Ayoko namang mawala ka lang. Bigyan mo ako ng chance makabawi sayo.

Me: Honestly, kung may pipiliin ako na gusto ko ma-stay, si J*n yun. Friend ko siya eh. Ayokong magkagalit kami.

Hehe.. Sa akin ang huling halakhak.
2 Comment(s) / Post Comment

Sunday, November 2nd 2008

4:07 AM

Utang ito, Hindi Limos Part 2

  • Mood:
  • Music: Yugto by Rico Blanco

Dalawang araw akong umiyak. Sinisipon tuloy ako ngayon.

Palitan ng text:

Me: Nakapunta ka ng PS kahapon?

E***r: Hindi. Masama ang pakiramdam ko e. Bakit?

Me: Ah.

E***r: Bakit?

Me: Wala.

E***r: Bakit mo tinatanong?

Me: Wala. 11am ako umawas kahapon e. Hindi kita nakita kaya hindi ko alam kung pumunta ka.

E***r: Hindi ako nakapunta. Wala din akong pera kahapon e.

Me: May girlfriend ka na?

E***r: Wala pa. Bakit?

Me: Wala. Sorry. Mukhang ayaw mo ng kinakamusta ka.

E***r: Hindi naman.

No reply.

E***r: San ka? San Pablo?

Me: Yup. Why?

E***r: Wala. Hirap ng walang pera.

Me: Hirap talaga. Gusto mo pautangin kita.

E***r: Bibigyan mo ako? Hehe.

Me: Nope. Utang.

E***r: Nyek. Bakit mo naman gagawin yun?

Me: Utang naman e.

E***r: Hehe.

No reply.

E***r: Hindi ka na nag-text.

Me: Hindi ko alam ang ire-reply sa hehe.

E***r: Ang taray mo naman.

Me: Mataray ba? Hindi ko talaga alam ang ire-reply sa hehe.

E***r: Ang taray mo na ngayon.

Me: Hindi ako mataray. Ganun talaga ako.

E***r: Papahiramin mo nga ako?

Me: Oo.

E***r: Magkano ang kaya mo ipahiram? Kelan ko babayaran?

Me: Sabihin mo kung magkano. Until 6 months lang boss.

E***r: Okay lang ba kung isang libo? Luluwas na ako bukas e. Emergency.

Me: Okay.

E***r: What time tayo magkikita?

No reply.

E***r: Pasensya na. Ang taray mo na. Para ka nang ibang tao.

Me: Hindi ako mataray. Ganun lang talaga ako sa mga hindi ko ka-close.

E***r: Close naman tayo ah.

Me: Dati yun. Hindi na ngayon.

E***r: Grabe ka naman.

Me: Nung gusto kitang bumalik sabi mo ibang tao ka na.

E***r: Hindi, ganun pa rin ako. Ayoko lang masaktan ka.

Me: Ang sakit kaya nun.

E***r: Sa lahat ng ex ko, ikaw lang ang gusto kong maging kaibigan kasi gusto ko suklian ang kabaitan mo saken.

Me: Hindi naman na ako humihingi ng kapalit. Ginawa ko naman yun kasi gusto ko.

E***r: Wag ka na magtaray. Nakakalungkot e. Bati na tayo.

Me: Hindi naman tayo magkagalit. Saka hindi naman tayo nag-aaway.

E***r: Friends na tayo?

Me: Hindi pa din.

E***r: Bakit?

Me: It takes time to heal the pain.

E***r: I understand. I know how it feels.

Me: Thank you.

E***r: Nahihiya na ko  manghiram.

Me: Okay.

E***r: Ang taray mo naman. Masama yata ang loob mo.

Me: Ikaw 'tong nahihiya e.

E***r: What time tayo magkikita?

Me: After ko mag-jog.

Iyak.

E***r: What time tayo magkikita?

No reply. E***r texted this line for the nth time. Me didn't reply.

Tomorrow afternoon.

Me: Jeep na ako. Makikipagkita ako pero may kondisyon.

E***r: Ano?

Me: Bawal mag-usap o mag-imikan.

E***r: Okay. San tayo magkikita?

Me: Sa Jollibee.

E***r: Okay.

Sa Jollibee.

E***r Verbally) Hindi na kita ihahatid?

Me: Iling. Alis. Iyak.

E***r: Salamat.

Me: Hindi yan bigay. Utang yan.

E***r: Babayadan ko naman e.

Sa bus.

Me: Alam mo ba kagabi pa ako umiiyak?

E***r: Bakit? Dapat hindi ka umiiyak.

Me: Wala lang. Ang bilis ko kasi mag-trust.

E***r: Grabe ka naman.

Me: Nung una nating ginawa, sabi mo okay lang kasi papakasalan mo naman ako, tapos hindi naman na totoo

E***r: Malay mo pa.

Me: Tapos ngayon i trusted you money

E***r: Babayadan ko naman e.

Me: Hindi mo naman fault kung hindi mo babayadan. Fault ko kasi I do not know hoe to choose people to trust.

E***r: Grabe ka naman. Babayadan ko naman e.

Me: Malay ko pa.

E***r: You can trust me.

Me: Don't say it. Prove it na lang.

E***r: Sige.

Gusto mo mag-bow? Galing. Hindi ko alam kung paano mo ako napaikot. Kung tutuusin, wala namang reason para tulungan kita. Ginamitan mo na naman ako ng powers mo. Sayang yung isang libo.

0 Comment(s) / Post Comment

Friday, October 31st 2008

6:20 AM

Utang ito, hindi limos

  • Mood:
  • Music: Hiram
Simula na naman ng panibagong umaga. Umuulan pero umaawit ang mga ibon. Malamig pero mainit ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Wala ang mum ko pero hindi ko siya namimiss. Parang may kakaiba sa araw na ito. Karugtong ng araw ko kahapon.

Sabi ko restday is a blogday. Pero wala ang excitement ko para mag-blog. Walang interesting na pangyayari. Weird.

Pag may interesting na bagay akong ginagawa, I always wish na sana kasama kita. Pero pag nararamdaman kita, tumitigil ang ikot ng mundo.You always turn my dancing into mourning.

"Sa lahat ng ex ko, ikaw ang gusto kong maging kaibigan. Pakiramdam ko may duty ako na suklian lahat ng kabaitan mo saken."

Wow pare. Are you lasing?

Gusto mo lang mangutang kaya ka ganyan.
0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, October 30th 2008

5:33 PM

Ayoko na Mag-unlimited. Pramis

  • Mood:
  • Music: Humanap ka ng panget
Wag ka na nga magtetext kung mangungulit ka lang!

Ikaw, isa ka pa. Wag ka magte-text kung gusto mo lang ng ka-fling!

Ikaw naman, wag ka na mapakipot! Kung gusto mo ako, sabihin mo!

Ang mga lalake talaga, nakakairita lang. Nanggugulo lang most of the time. Sana maging friendly na lang kayo noh. Hindi yung may mga pahaging pa.

Gullible kaming mga babae kaya huwag kayong ganyan.

Sana may mag-agree saken.

0 Comment(s) / Post Comment

Friday, October 10th 2008

3:54 AM

You Must Say Thanks to MYMP. Because of Them Bumait Ako Sayo.

  • Mood:
  • Music: Now by MYMP
Palitan ng text.

Me: Hindi ko alam kung maniniwala ka pa sa akin but I just want you to know na pinatawad na kita sa mga pagkakamali mo. Alam ko pinatawd mo na din ako. Gusto ko lang ma-clear na lahat ng galit at sakit. Salamat.

E***r: Salamat din. Masaya ako para sayo.

Me: Salamat.Ü

E***r: Mahirap yung may kinakasamaan ng loob.

Me: I am so inspired by the song NOW of MYMP. The message is soo beautiful.Ü I am just wondering, bakit kahit sabihan kita ng go to hell hindi ka nagagalit? That's a talent.Ü

E***r: Wala naman akong dahilan para magalit. Saka you have the right to express your feelings.

Ang lame ng sagot.

Hindi ko na nga ni-replyan. It 's all over.
0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, October 9th 2008

8:40 AM

I am an Island

  • Mood:
  • Music: Alone
Nagstart ako mag-blog hop kahapon sa office. Sabi ko pagdating ko sa bahay, magbabasa pa ako ng madaming blog. Ang result, naiingit lang ako sa mga magagandang blogs na nabasa ko kaya gumawa ako ng account sa multiply. Chaka kasi yung account ko sa multiply. Ang user ID ko ay student number ko nung college. Kasi requirement namin yun dati sa isa kong subject kasi sa multiply kami nagwoworkshop. Ayun, Hindi ko mabago yung user ID. Kaya dinelete ko na lang yung account para magamit ko ang kaisa-isa kong email address. Ngayon, Network log-in ko na sa office ang gamit kong user ID. kvacarizas. Hehe.

Nakita ko yung mga blog ng ilang elbizens na kagaya ko. Na-miss ko lalo ang Elbi. Kahit na madami akong hindi nakasundo nung College pa ako, mapa-professors man o classmates, namimiss ko pa rin ang Elbi. Siguro yun an dahilan kung bakit ko gusto bumalik ng Elbi. Gusto ko sila makausap lahat at maging kaibigan.

Lagi kong sinasabi dati na ako ang mabait, sila hindi. Christian ako e. Sila hindi. Sino ba sila para makialam sa mga desisyon ko? Kung ano ang gusto ko, yun ang gagawin ko. Masama kayo lahat. Ayoko sumama sa inyo.

Pero mali. Dapat hindi naging ganoon ang attitude ko.

Ngayon, nagiisa ako. Hindi ko sila ma-invite sa facebook kasi nahihiya ako. Hinahanap ko yung mga blog nila para makabalita naman ako tungkol sa kanila kaso hindi naman ganun kadaling hanapin.

Sabi din ng mga tao dito sa bahay, masama daw ang ugali ko. Kaaway ko yung tita ko kasi ayaw niya ipahiram saken yung maganda niyang bag niya kasi nanakaw yung sports bag ko. Yung trying hard na adidas ang pinahiram niya saken. Ayoko talaga gamitin yun pero wala akong choice.

Me: Panget naman yang bag mo!

Sabay balibag ng bag sa sofa.

Tita: Ang sama ng ugali mo!

Maya-maya, gusto ako kausapin ng inay (who is my lola) ko dahil sa nangyari.

Inay:  Ang sama ng ugali mo, bakit mo pinagdadabugan ang tita mo?

Me: Ano ba? Bahala kayo sa buhay niyo.

Sabay alis ni inay.

Mommy: Ang sama ng ugali mo.

Me: Alam ko.

Wow, pare. Aminado pala ako na masama ang ugali ko. Minsan nagugulat din ako sa mga pinagsasasabi ko. Alam ni E***r yan.

Lagi na lang ako mag-isa. Kailangan kong baguhin ang ugali ko or else, kailangan ko talaga matutong mag-isa.
2 Comment(s) / Post Comment

Monday, October 6th 2008

7:19 AM

A Rule to be Happy: Free Your Heart from Hatred - Forgive!

  • Mood:
  • Music: Everyday is a Winding Road

Heto ang matagal ko nang gustong matutunan. Madaling sabihin na nakapagpatawad na ako pero unaware ako na lumalago na pala ang galit na itinanim ko.

Nowadays, I find pleasure in cursing. (OMG, this is not me. ) It makes me feel good. I need to do it to release stress.

Go to hell! @$#%&^! Mamatay ka na, ngayon na! Bobo!

I can't believe I can say such things. But it is true. I am now different. Who i am loves WHO I'VE BEEN, not WHO I AM.

I know why. Am I happy? Somehow. Kasi at least alam ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Yun nga lang, alam ko lang. Hindi ibig sabihin meron ako nung makakapagpasaya sa akin. That is why I feel lonely most of the time. It is so stressing. Pero in terms sa mga ginagawa ko, masaya ako. I always find alternatives how to make myself happy.

Well, that's life. I want to make a difference na. Hay. Naiinip na si God saken kahihintay.

Sa mga namura ko, sorry. Kung customer ka man ng O****z, C*********s, o N**t G***p.. Kung isa ka man sa mga babaeng umupo sa harap ng TV at humarang samin ni Chrissy sa panonood ng SOP sa pantry.. Kung ikaw man ang nagnakaw ng sports bag ko.. Kung ikaw man ang daddy ko. O ex ko.. Sorry.

0 Comment(s) / Post Comment

Friday, October 3rd 2008

6:30 AM

Prayer can Move a.. Volcano! Hehe.Ü

  • Mood:
  • Music: Malaya. Malaya, malaya, malaya!!

Yesterday was such a lovely day. My mum and I went to a parlor. I got my hair relaxed and my mum got her's hot-oiled and cut. Here's our pics when we ate at a pizza parlor after we got our hair finished:

Closer look at my new look:



Partida, bagong gising pa ako niyan. Hehe.

Blog proper.

I felt yesterday that God is moving in my life. I prayed na ayoko na maging malungkot dahil kay E***r and He answered me. I texted him, sabi ko hindi na ako malungkot, na I'm already okay. Here's the how the SMS exchanges went:

E***r: Huwag ka na malungkot. Nasaan ka?

Me: Nasa bahay.

E***r: Hindi ba tayo lalabas?

Me: Ayoko. Marami akong gagawin.

E***r: Talaga? Ikaw ang bahala.

Me: Okay.

E***r: Hindi ba tayo lalabas. Ayaw mo na?

Me: Ayoko na.

E***r: Bakit?

Me: Lalo lang akong nalulunkot pag nakikita kita.

E***r: Ikaw ang bahala. Hindi na ako magte-text sayo. Last na 'to.

Me: Okay.

And then, hindi na nga siya nag-text. I felt proud of myself kasi I had the courage to say NO. I felt happy, but yet I felt sad. Kasi I love him so much.

He knows it. God knew it. I do not know what's going on but I know God is working and moving. Everything is beyond my control. God knows what's right. And I don't. It's a good thing I know how to pray.

I am happier whenever I go out with my mum. I really treasure times like those. Unlike with E***r, I felt sad, awful and abused. Never will i go out with him again.

0 Comment(s) / Post Comment

Sunday, September 28th 2008

5:33 AM

I love Weekends!Ü

  • Mood:
  • Music: That's What You Get by Paramore

I mean, I love it whenever it's my restday. Uwi ng San Pablo, then internet surf the whole day, play with Skat, kain sa labas with Ate Cel or my mum, go to parlor also with my mum or mamili ng tsinelas sa Liliw, etc. I have taken a picture with Skat using my phone. Here it is.Ü

Ang cute namin noh? Parang si Paris Hilton lang with her dog. Haha.Ü Skat is a mini pinscher. Ang baho nga niya kasi 1 week after vaccination pa siya pwede paliguan. Pero okay lang kasi hindi pa rin ako naliligo during the time this picture was taken.

Now, blog proper. It has been a year nung huli kaming kumain ng Bihon Guisado ni Ate Cel sa Prosperity (anyway, yun ung masarap na kainan sa San Pablo tapos mura pa.) Tapos nung hapon pumunta kami ng mum ko sa parlor para makapagpa-relax ako and mum to have her scalp hot-oiled. Kaso 4pm pala ang closing time nung parlor (hindi kasi ako nagpapa-straight sa iba, dun lang). Kaya kumain na lang kami ng mum ko sa Prosperity. Ulit. Hehe. Then we planned next Thursday, pupunta kami ng Liliw kasi I will buy her a sandals saka ako, siyempre, bibili din for myself. Nagke-crave kasi ako ngayon sa white wedge shoes and white body-fit blazer (if I got the spelling right). Then, since alam na namin na 4pm ang closing time ng parlor, after Liliw, magpapaayos na rin kami ng buhok. And of course hindi mawawala ang kain sa labas.Ü Yummy!Ü

I really love to hang out with my mum. Hindi niya ako kasi mapagalitan pag lumalabas kami. Ako lagi ang nagagalit sa kanya. Tapos hindi na lang siya iimik. Nakakatuwa siya. Hehe.Ü

Sa Christmas, iniisip ko na kung anong gagawin namin nila Ate. Sabi ko, mag-mall kaming dalawa since malapit na siyang ikasal. Hayy.. Nalulungkot ako kasi hindi na ulit kami makakalabas pag pumunta na siya sa Australia. Pero I am happy for her kasi makakasama na niya ang kanyang labi-dabi.

Sana lagi na lang weekend. I mean, restday.

0 Comment(s) / Post Comment

Thursday, September 18th 2008

4:47 PM

1K? No Deal or No Deal?

  • Mood:
  • Music: Bleeding Love

Every umuuwi ako ng San Pablo, lagi niya ako tinetext. Gusto niya lumabas kami at alam niya na gusto ko din yon. Siyempre hindi ako tatanggi pag niyaya niya ako kasi gusto ko nga siya e. Ang kaso mo, gastos ko lahat pag lumalabas kami. At pag humihingi siya, demanding pa siya na. Take note, hindi pa nagte-thank you.

Kahapon, pauwi na ako. Pagpunta ko sa locker may 2 messages agad ako sa phone galing sa kanya.Tinatanong niya kung nasaan ako. Siyempre medyo natuwa ako dahil naalala niya ako. Sabi ko pauwi na ako ng San Pablo. Hindi ko na tinanong kung bakit kasi alam ko na. Nagpapalibre siya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makahindi. Natatakot ako na mainis siya saken at di na ako pansinin.

Kada labas namin, gumagastos ako ng isang libo. Apat na beses sa isang buwan kami lumalabas so 4000Php kada buwan.

Kagabi, habang pauwi na kami, sinabi ko sa kanya na huling labas na namin yon. Tinanong niya, "Bakit? Hindi ka na masaya na kasama ako?" Tumango ako. "Sumusumpong ka lang e. Hindi ako naniniwala sayo. Hindi mo yun kaya." Alam niya na hindi ko kaya. Kaya alam niya kung paano ako paiikutin.

Hindi ako makapagpa-rebond ng buhok. Hindi ko mabilihan ng computer table and PC ko. Hindi ko rin mabiyayaan ang mga taong napangakuan ko na bibiyayaan ko.

Nung napansin niya na malungkot ako, tinanong niya ako kung bakit. Sabi ko "Huwag mo lang ako pansinin. Okay lang ako." Sabi niya siguro malapit na daw ang period ko kaya ako bugnutin. Pero sabi ko kakatapos lang ng period ko. Sabi niya huwag na daw ako malungkot then he put my head on his shoulder. Sabi niya pagod na daw ako, and he forced me to sleep on his shoulder.

May ka-sweetan pa naman na natitira sa kanya. Pero pag nagbibiruan kami at nagkukulitan, bigla akong masasaktan kasi bigla niyang sasabihin, "Paano ka magkaka-boyfriend ulit niyan, para kang siga." Response ko naman "Mas gusto ko nga na hindi na ako maligawan."

Tapos magkukuwento siya tungkol sa ex niya. At sasabihin din niya na alam niya na nagseselos ako pag ginagawa niya yon.

Everytime maghihiwalay na kami pauwi sa bahay, may feeling ako na parang may mali sa ginagawa namin. Mag-iisip ako pero wala naman akong maisip na mali. Magkaibigan kami at natural lang na lumalabas ang magkaibigan. Pero hindi nawawala ung feeling na parang may mali.

Sabi ko na lang sa sarili ko, kung ano man yung mali na yon, bahala na muna. Malalaman ko din naman yon balang araw.. kapag nagsawa na akong isipin, saka ko yon malalaman. Minsan kasi, pag hinahanap mo, mahirap matagpuan. Pero pag hinayaan mo lang, saka lilitaw kung ano yung hinahanap mo.

Magsasawa din ako. Yun ang sigurado ako.

1 Comment(s) / Post Comment

Wednesday, September 10th 2008

3:23 AM

Future Writer? Ehem.. Ü

  • Mood:
  • Music: Life, oh life.. Oh life...

Kahapon, natapos ko basahin from cover to cover and September edition ng Cosmopolitan Magazine. Sobrang naka-relate ako sa mga articles. Then, I realized I want to be a Cosmo writer.

New life, new recreation. Now, ang trip ko naman ay humanap ng July edition ng Cosmo. (I'm not sure if edition ba ang correct term.) Madami kasing feedback na "life changing" yung edition na yun.

Kung magiging writer nga ako, sa Cosmo gusto ko. It reflects my life, my personality, and all.

I had my "thoughts for the day" kahapon. I need to love myself. I should not forget to do what I love to do when I am in love.

Now I really enjoy being single. I am happy to be one!

0 Comment(s) / Post Comment

Monday, August 25th 2008

5:36 AM

Shame on Me

  • Mood:
  • Music: Life Goes On by Leanne Rimes

Palitan ng text. Kung matatawag nga ba yon na palitan.

Me: Uy..

Walang reply.

Me: Ang suplado mo talaga..

Walang reply.

Me: Hihintayin kita kahit sabihin mo na wag na ako maghintay

Walang reply.

Me: Alam ko kaya ka galit na galit saken kasi love na love mo ako.Ü

Walang reply.

Me: Hindi mo nga masabi na ayaw mo ko kasi mahal mo ko e

Walang reply.

Me: Mahal na mahal kita kung alam mo lang. Sa tingin ko magiging okay lahat kung magiging tayo ulit

Walang reply.

Me: I think we sould call it quits. Wala naman akong mapapala sa ginagawa ko. Nagaaksaya lang ako ng pera at panahon

Walang reply

Me: Okay lang kung hindi ka magreply. Hindi ka na naman talaga babalik e

Walang reply.

Me: Okay lang naman ako masaktan. Kaya ko naman ibalik lahat ng nawala saken

Walang reply.

Me: Hihintayin ko txt mo

Walang reply.

Me: Siguro may girlfriend ka na, ayaw mo lang sabihin

E***r: 2log kya ako

Me: Okay.

Halos mabaliw na ako kahihintay ng reply e! Kung anu-ano tuloy nasabi ko.Whaa!! Shame on me. 

1 Comment(s) / Post Comment

Tuesday, August 19th 2008

5:20 AM

Comparative Analysis of Karma

  • Mood:

Ang blog na ito ay dedicated kay Kuya Unyo. Kung nasaan ka man kuya, sana ay nasa mabuti kang kalagayan.

Kanina, sa sleep room ng office ako natulog. Nung nagpapaantok ako, marami akong naalala. Naalala ko si Kuya Unyo. Sabi ko, magba-blog ako ng tungkol sa kanya.

Matagal ko na siyang hindi nakikita. May gusto akong sabihin sa kanya:

Kuya, pasensya ka na kung pinerahan kita dati. Dati, masaya ako at pinagdadasal ko lagi na pumunta ka ng bahay, hindi dahil gusto kita, kundi dahil ililibre mo ako at bibigyan mo ako ng pera. Pasensya ka na kung nauubos ang sweldo mo sa akin dati. Alam ko na mahirap ang trabaho mo pero nilulustay ko lang ang pera mo sa pagbili ng mga gamit na gusto ko. Natutuwa ako dati hindi dahil kasama kita kundi dahil may pera ka.

Ngayon naisip ko kung ano ang naramdaman mo nung mga panahon na iyon. Naisip ko paano kung sa akin ginawa yun. Siguradong masasaktan ako na pineperahan lang ako ng taong mahal na mahal ko.

Sorry kuya. Sana hindi ko na lang tinanggap yung mga regalo mo. Pati yung kwintas na regalo mo saken nung birthday ko sana hindi ko na lang tinanggap. Pero take note, marami akong hindi hiningi sayo na ibinigay mo. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ko lagi binibigyan. Pero sorry talaga. Madami akong maling nagawa sayo. Alam ko hindi ito ang gusto mong marinig from me. Alam ko lalo kang nasasaktan sa mga sinsabi kong ito pero kailangan kong i-confess to para mapatawad ko ang sarili ko. Patawad.

Alam ko na ngayon kung ano ang naramdaman mo kasi yun din ang pinaparamdam saken ngayon ni E***r.

0 Comment(s) / Post Comment

Monday, August 18th 2008

1:41 AM

Crossing my Fingers: Hold on, my Pay

  • Mood:

Palitan ng text kahapon lang.

E***r: malamang hindi mo na ako bibigyan ng phone

Me: Ano sa tingin mo? Sa palagay mo, kung hihingin mo buong sweldo ko, ibibigay ko?

E***r: hindi

Me: Pag hihingin mo ang buong sweldo ko, ibibigay ko. Ganun ako e. Alm ko alm mo un

E***r: bkit ko nman ga2win un

Me: sana nga wag mong gawin

E***r: bkit ko gagawin un

Me: no reply

E***r: senxa na tinanong ko pa

Me: Ngek. Para kang highschool. hehe

E***r: kaw nga dyan e

Me: ikaw

E***r: yaan mo di ko na hihingin

Hindi na naman ako nakatulog. Grr. Help me Lord. Sana wala na lang akong nararamdaman.

Minsan kailangan nating umiyak. Ang problema saken hindi ako umiiyak. Gustong-gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha sa mata ko. Lahat naiipon sa dibdib. Pag hindi na ako makahinga, may lalabas na konting luha. Kaso mo, konting-konti lang. Hihikbi ako para may lumabas pa. Pero wala na. Tapos makakatulog na ako sa wakas. Kapag mga tatlong oras na lang bago ko kailangang maligo para pumasok sa office.

May payout na naman ako sa office. Isang instance na lang terminated na ako. Isang dahilan para umiyak. Galing noh. Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para umalis ako dito. Sabi ni Aba nung naospital ako, umalis na daw ako dito. Yun din ang sinasabi ng sarili ko kasi parang nasasacrifice ko yung integrity ko (as per my previous blog). Pero sinasabi din ng sarili ko na kailangan kong maging matatag at huwag agad sumuko. Pakiramdam ko kasi ako ang talo kapag sumuko ako.

Conflict of philisophy ang problema. Sabi ng sarili ko, ang sumuko talo. Sabi rin ng sarili ko, do not sacrifice integrity. Ang gulo. Kailangan ko i-sacrifice ang isa. Hindi ko alam kung alin ang mas matimbang. Winning a battle o integrity? Pareho e. Ibig sabihin ba pag binitawan ang isang philosophy, bibitawan mo na yun habambuhay? Bakit hindi ko matanggap na kailangan kong pumili ng isa? Nanghihinayang lang ba ako sa panahon na inembrace ko ang mga pinapaniwalaan ko? Bakit naman ako manghihinayang? O siguro nahihiya lang akong tanggapin na mali pala ang mga pinaniwalaan ko?  Kung gagawin ko ang magiba ng philosophy sa buhay, ibig ba sabihin nun hindi hypocrite si PGMA at hindi siya dapat kamuhian sa fact na sinabi niya na hindi na siya tatakbo ulit pero tumakbo pa din ulit siya? Ibig sabihin ba nun parang kagaya ko na si PGMA? Sa tingin ko ayos lang naman kung magiging kagaya ako ni PGMA. Di ko lang alam kung bakit.

0 Comment(s) / Post Comment

Sunday, August 17th 2008

7:48 AM

Tatlong Araw na Kalokohan

  • Mood:

These past three days magkasama kami ni E***r. Nung 1st at 2nd day, masaya ako kasi nakakalabas na ulit kami. Pumunta kaming Lipa. Nag-arcade kami at nilibot namin ang buong Robinson's Mall doon. The next day kumain kaming pizza tapos hinatid niya ako sa terminal ng bus. Pagdating ko sa office naka-Paid Time Off pala ako so umuwi ulit ako ng San Pablo. Kaya kahapon, nagkita ulit kami. Sinamahan niya ako bumili ng phone na worth 1000Php lang tapos kumain kami sa McDonalds. Habang kumakain kami, binibiro ko siya.

E***r: Bili mo naman ako ng cheeseburger..

Me: Bakit ka nagpapabili saken? Love mo ba ako?

E***r: Love naman kita e. Sige na. Gusto ko ng cheesebuger.

Me: Ayoko. Nabili na kita ng Shake Shake Value meal a. Bakit? Love mo ba ako?

E***r: Grabe ka naman. Hindi ka pa masaya na magkasama tayo. Ayaw mo ba nun na magkaibigan tayo?

Me: Ayoko.

E***r: Hindi na mangyayari yun. Kita mo naman na malaki na ipinagbago ko. Tapos gusto mo ako pa rin.

Me: Silent.

E***r: Para kang highschool.

Me: Silent.

E***r: Ano na namang problema mo?

Me: Wala.

E***r: Tara na. Humahaba ang gabi na magkasama tayo. Baka iyakan mo pa ako.

Me: Silent. Biglang tayo. Tara na.

E***r: Isasakay na lang kita ng jeep para hindi na ako hihingi na pamasahe sayo pauwi.

Me: Ayoko na magpahatid. Sa 7-eleven na lang ako sasakay. Maglalakad na lang ako.

E***r: Huwag kang makulit. Huwag ka na doon sumakay. Delikado doon. Baka madukutan ka pa doon.

Me: Doon ko gusto. Ayoko na magpahatid.

E***r: Ihahatid kita. Huwag kang makulit.

Me: Humihikbi na. Parang gustong maiyak. Ayoko na magpahatid. E anong pakialam mo kung madukutan ako. Sabay alis.

E***r: Yan ang hirap sayo e.

Tulala ako sa bus. Hindi ako makatulog pag-uwi ko. Tinext ko siya.

Me: Nkauwi na ko. Alam ko naman di ka talaga babalik. Nagbaka-sakali lang ako.

E***r: tpos mga2lit ka sken

Me: sorry

E***r: wla un. hindi naman kita pinakitaan ng masama kanina e. tapos gnun k p

Me: Sinumpong ako knina e

E***r: di naman pdeng lging may sumpong. di ka na bata

Me: Ndi na ako glit. Sumpungin talaga ako e

E***r: Mahirap yun. Mtampuhin ka pa

Biglang nagkaproblema ang network ng Globe kaya hindi na ako nakareply.

Ouch di ba? Magcomment ang gustong magcomment.

 

2 Comment(s) / Post Comment

Friday, August 1st 2008

4:03 PM

Wanted: A Company with True Integrity

P*****S****** Inc.'s core values:

Number 1: Integrity

Kamote. Integrity? Baka naman hindi alam ng client ang meaning ng integrity. Or may iba silang klaseng ginagamit na dictionary.

Hindi nila alam na kailangang mandaya ng agent at bilisan ang call (which is dahilan para hindi mabigyan ng magandang service ang mga customers.) Unfair ang 9:25 na AHT target sa mga problem call gaya ng schedule change at mga delayed flights. Idagdag pa ang pagka-hindi matulungin ng mga airline agents.

Kamoteng nilaga talaga. Hayy. Sana magka-boyfriend na ako. Hehe.

0 Comment(s) / Post Comment

Sunday, July 13th 2008

5:36 AM

Work work work

  • Mood: Back to Work

I'm back to work.

Daming pending cases sa buhay:

1. Need bumili ng computer table.

2. I-follow-up ang dsl connection.

3. Ipaayos ang may topak na cellphone. (Babala: Huwag magpagawa ng cellphone kay Ma Freddie na may pwesto sa San Pablo Shopping Mall dahil hindi siya marunong.)

4. Team building payment (2,200Php). Naiwan ko pa swimsuit sa bahay. (Hay. Problema nga yan.)

5. Bayad sa gown ko. (Hindi ko naman alam na mahal pala umabay. Hay.)

Pero good thing is.. Naka-recover na ako kay E***r! Hehe.

0 Comment(s) / Post Comment

Monday, July 7th 2008

3:00 AM

Kahapon: Nagsimula na ang Magagandang Sandali

  • Mood:

Kahapon, sabi ni E***r saken sa text, "bday mo nga pla bukas." Yipee!   Kilig naman ako. Sabi pa niya, hindi daw ako cheap. And I wil never be one.

Binati din ako ng mommy kagabi through text at 8pm.

Tinext din ako ni Aba kaninang 1am. Binati ako. Ano daw ang mae-expect niya ngayong birthday ko. Sabi ko mag-Starbucks na lang kami. Treat ko ang isang kape. Buti na lang may bestfriend ako.

Kanina pagpasok ko, nag-check ako ng outlook. May message about approved paid time-offs. Naka-PTO ako sa Saturday! Yipee! I have three consecutive restdays!  Sakto! Dadating si Ate Neneth sa Saturday from Denmark e kaya gusto ko nasa bahay ako.

Sabi ko na, may kapalit yung mga lonely days ko. This is a start of my happy days!

Happy birthday Intal!  Magpakabait ka na. Matanda ka na. Hehe.

0 Comment(s) / Post Comment

Sunday, July 6th 2008

6:32 AM

Kagabi: Mahimbing ang aking Tulog

  • Mood:

Ang daming nangyari kahapon. Dahil Independence Day sa US kahapon, konti lang ang natanggap kong tawag. At dahil diyan, nagkaroon ako ng mahabang oras para makapag-YM at makapag-friendster. Kaya maraming nangyari. Marami akong nakamusta at nabigyan ng comment. Nasagot ko din ang mga taong kinamusta ako. Naramdaman kong madami pala akong kaibigan. At mga naging kaibigan. Gusto ko ulit silang makita.

Kahapon, ka-chat ko si Mia. Sabi niya manood daw kami ng concert ng Urbandub at Sandwich sa Huwebes sa Los Baños. Naeexcite ako. Gusto ko gumimik sa LB. Masusuot ko na ang aking party wardrobe.  Sana may mga boys dun para makapagpa-cute ako. Hehe.

Tinext ko si E***r kagabi, tinanong ko kung gusto ba niyang sumama manood. Wala kasi akong kasama pauwi. Kaso nakatulog ako kahihintay ng reply.

0 Comment(s) / Post Comment

Saturday, July 5th 2008

4:17 AM

Wanted Boyfriend: Named Tobey MaGuire

  • Mood:

Nung Thursday, nagpunta ako sa Los Baños para umatend ng Youth Jam. It was a great experience like what I was expecting. Binati ako ni Jester. It's nice to see those persons na nakasama ko sa Buklod. Although hindi ko sila gaanong naka-close, naging part sila ng life ko dahil one of my greatest achievement is when I was with Buklod. Nakakamiss maging advocate of integrity, involvement, and initiativeness. Astig talaga ang Buklod. Wala akong masabi.

Nakakatawa yung Human Tetris na fi-nlash nung nag-Youth Jam. As in kinuwento ko kina mommy pag-uwi. Haha.Ü Lagi na akong mag-you-youth jam pag restday ko. Anyway, I love going back to LB. Namimiss ko yung amoy ng damo e.

Nung Friday naman, I found out galing ng writer ng Spiderman. Feelign ko sinadya yung movie para sa akin. Nakikita ko si E***r throughout the movie. Medyo hawig kasi sila.   Ang cute ni Tobey nung sumasayaw siya. Nakakakilig alalahanin yung mga scenes na yun.  

Peter wanted revenge during that moment. Nakarelate ako kasi yun ang madalas kong nararamdaman. Kay J**, kay E***r, kay D***y. Pero alam ko masama. Si Peter Parker, galit din siya nun. Pero he made the right choice. Hindi niya hinayaan na maconsume siya ng galit niya kay Harry, sa pumatay sa Uncle Ben niya at lalo na kay M. Jane. Yung love pa rin niya sa maga taong yun ang nangibabaw. Shet. How can I do that Spiderman? Kaya ko ba yun? Sabi ko sa sarili ko, I want to be an advocate of true meaning of LOVE. Like what Jesus did. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na mahal ko si J**, si E***r, si D***y. Pero galit ang nararamdaman ko sa kanila. Hindi pwede yun. I am too close to be a hypocrite. Sila yung mga tao na nagpainit ng ulo ko. Pero sila din yung mga tao whom I am longing for. If I do really love them, I must humble myself. Sabi nga ng Aunt ni Peter, "Revenge is like a poison." Shit. Ako, hinayaan kong malason ako ng tuluyan ng kagustuhan kong maghiganti.

Sobrang enlightening ng Spiderman saken. Kaya mahal ko na si Peter Parker. Hindi maalis sa isip ko yung mga scenes na bagsak ang buhok niya.  I love you Tobey!  

0 Comment(s) / Post Comment

Wednesday, July 2nd 2008

9:41 AM

Bukas: Luluhod ang mga Lalake

  • Mood:

Uuwi ako mamaya. Plano ko bukas pumunta ng Los Baños para umatend ng Youth Jam sa VCF. Miss ko na yun e. Isasama ko kapatid ko tapos kain kami sa labas. Shet. I miss it LB. So much. As in. I miss all about LB. Nakakaiyak pumunta ng LB. Magiging nostalgic lang ako. Pero hindi ako pupunta dun para mag-inarte. Pupunta ako dun para mag-service. Pero shet talaga. Maaalala ko ang lahat.

Masarap manlalake nung college. Kasi puro may sense ang guys sa LB. Kahit hindi naliligo okay lang. Matalino naman. Kesa sa lagi nga naliligo, bopol naman. Dun na ako sa hindi naliligo. Hehe.

Gusto ko maging boyfriend ko ulit yung fratman. Tapos gwapo. Tapos mayaman. Tapos badboy. Pero pagdating saken mabait. Yung tipong ako yung magpapatino sa kanya. Wahaha. Pangarap.

Nung elementary pa lang ako, nanaginip ako. Nakapila kaming mga girls horizontally tapos pipila yung mga guys sa tapat ng girl na crush niya. Sa pila ko daw may pinakamadaming guys. Mahigpit daw ang labanan nun. Konti lang ang lamang ko sa mga kabarkada kong girls. Kaya sobrang nagpe-pray ako nun na kung magkatotoo man ang panaginip na yon, sana pinakamahaba yung pila saken.

Nung first year high school naman, nabigyan ako ng award ng "Crush ng Bayan" nung Christmas party namin. Sobrang nag-pray din ako nun na sana ako ang makakuha nun. Hindi ko binoto si Joei kasi siya yung mahigpit kong kalaban. Yung binoto ko yung kaklase namin na kinaiinisan ng lahat. Hehe.

Ngayon, wala. Bokya. Wala man lang akong textmate.

0 Comment(s) / Post Comment